Isabelle Duterte mala-Cinderella sa 18th b-day: Kakainggit ka girl! | Bandera

Isabelle Duterte mala-Cinderella sa 18th b-day: Kakainggit ka girl!

Ervin Santiago |January 21,2018
facebook
share this

Isabelle Duterte mala-Cinderella sa 18th b-day: Kakainggit ka girl!

Ervin Santiago - January 21, 2018 - 12:15 AM


INGGIT na inggit ang ilang netizens sa apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Isabelle. E, kasi nga, bonggang-bongga at yayamanin talaga ang naging selebrasyon para sa kanyang 18th birthday.

Sa Rigodon Ballroom lang naman ng Peninsula Manila ito ginanap with the Manila Philharmonic Orchestra na siyang nag-provide ng music sa kabuuan ng event.

Kumalat kahapon sa social media ang mga litrato at video na kuha sa debut party ni Isabelle at marami ang nagkomento na kung may nagbibigay ng award para sa Debutante of the Year, walang dudang ang apo na ni Digong ang tatanghaling winner kahit January pa lang ngayon.

Bukod nga sa napakamahal na LED invitation para sa debut ni Isabelle, pinag-usapan din ang suot niyang Michael Cinco blue gown na tadtad ng “full degrade Swarovski crystals.”

Ilang netizens ang nakapansin na may pagkakatulad ito sa bonggang “Cinderella dress” ni Aishwarya Rai sa 70th Cannes Film Festival noong May, 2017. ay pagkakahawig din daw ito sa bridal gown ng isang Indian princess na nagpakasal last year.

Ayon sa ulat, ang mga ball gown ni Michael Cinco ay nagkakahalaga ng P800,000 hanggang P5 million.
Bongga rin ang giveaway ni Isabelle, lahat ng guest ay nakatanggap ng “handcrafted/customized fragrance products.”
Sey nga ng isang netizen, “Kakainggit ka ate girl! Ikaw na talaga ang ultimate debutante! Yamannnn!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending