Daniel binalaan sa tawag ng laman; dapat laging isipin si Kathryn para iwas-tukso
MARAMING tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nag-aalala na baka makaapekto sa kanilang relasyon ang paglutang ng isang girl na nagsasabing kinuha ng heartthrob ang cellphone number nito.
Dahil sa sobrang saya siguro dahil dati pala’y sinusundan-sundan lang ng dalaga ang mga mall shows nina DJ at Kathryn ay ipinost nito ang kanilang retrato ng kanyang idolo na may bonus pang kuwento na kinuha ni Daniel ang kanyang numero.
Sabi ng isang KathNiel supporter, “Tao lang naman kasi si DJ. Paano kung isang araw, e, umiral ang kahinaan niya? Paano kung matukso siya?
“E, sa sobrang excitement ng babaeng ‘yun, e, siguradong ilalabas niya na naman sa social media ang nangyari sa kanila if ever,” sabi ng tagahanga ng magka-loveteam.
Positibo ang ganu’ng pag-aalala, magsisilbing paalala kay Daniel ang damdamin ng mga tagahanga nila ni Kathryn, dahil totoo namang tao lang siyang nadadarang din paminsan-minsan sa tawag ng laman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.