KRIS vs JAMES: Sino ang nagsisinungaling? | Bandera

KRIS vs JAMES: Sino ang nagsisinungaling?

Cristy Fermin - June 21, 2013 - 03:33 PM


Kasasabi lang namin kahapon sa kolum na ito na mukhang nananahimik ngayon si Kris Aquino, pero maling-mali pala ang iniisip namin, dahil muli niyang binuksan ang kuwento tungkol sa hidwaan nila ng kanyang nakahiwalay na mister na si James Yap.

Ayon kay Kris ay iresponsableng ama ang basketball star dahil palagi ang pagsasabi nito na nami-miss si Baby James pero hindi naman gumagawa ng paraan na magkita sila ng bata.

Pati sa sustento sa kanilang anak ay sinabi ni Kris na hindi nagbibigay si James, ito pa nga raw ang kumukuha ng pera sa kanila, kaya hindi man lang maramdaman ng bibong bagets na meron itong ama.

Ang tanong lang namin—nu’ng magdesisyon ba silang maghiwalay na at gawing pormal ang kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng korte ay hindi kasali sa mga hiningi ni Kris sa hukuman ang buwanang sustento ni James para sa kanilang anak?

Ganu’n kasi ang karaniwang hinihingi ng ina ng tahanan para sa mga bata, ang bigyan ng buwanang sustento ng kanilang ama, sa katalinuhan ni Kris ay parang hindi kapani-paniwalang pinalampas niya ang ganu’n kahalagang punto.

At kung totoo ngang ganu’n kairesponsable si James ay nakalulungkot naman, malaki ang kinikita nito sa paglalaro ng basketball, pero pabaya naman pala ito sa kanyang anak. Sino kaya sa mga magulang ni Baby James ang nagsasabi ng katotohanan at nagsisinungaling lang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending