MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Dati po akong regular employee sa government and I decided to resign and put up even a small business. Okay naman po ang business ko at nagkaroon na rin ng time for my family. Ang problema ko lang ay nawala ang mga benefits na natatanggap ng mga regular employees lalo na po sa Philhealth, GSIS. Maganda na rin na nakakasiguro na sakaling magkasakit bagaman ayaw po natin mangyari ay malaking tulong din ito. Ano po ang dapat kung gawin para maipagpatuloy ang pagbabayad sa philhealth or pwede ko bang gamitin ang business ko as my employer? Please give me an advice. Thank you and more power!
Alden Jaview
phase 1 A Dagat Dagatan
Navotas M.
REPLY: Ginoong Alden, Pagbati mula sa PhilHealth!
Upang maipagpatuloy ang inyong kontribusyon, ipinapayo namin na kayo ay magbayad sa ilalim ng Informal economy category (Individually paying / self employed) kung kayo po ay hindi na empleyado sa ngayon o walang magiging employment. Narito po ang step-by-step procedure para sa pag-update ng inyong rekord.
1. Mag-download ng 2 kopya ng PhilHealth Member Registration Form (PMRF) sa aming website www.philhealth.gov.ph o maaari ring makakuha ng kopya sa aming mga opisina.
2. I-tick ang FOR UPDATING na nasa kanang itaas na bahagi ng PMRF.
3. Punan ang PMRF at ilagay ang tamang impormasyon o ang nais baguhing detalye.
4. I-sumite ang form sa pinaka-malapit na PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) or PhilHealth Express office sa inyong lugar at magdala ng 2 valid IDs para sa beripikasyon.
5. Hintayin ang print-out ng inyong updated na Member Data Record (MDR).
Ang mga miyembro sa Informal category na kumikita ng P25,000 kada buwan o mas mababa pa ay magbabayad ng P200 monthly, P600 quarterly P1,200 semi-annually o P2,400 kada taon, samantalang kung kumikita ng mataas sa P25,000 ay magbabayad ng P300 monthly, P900 quarterly P1,800 semi-annually o P3,600 kada taon. Ang premium contributions ay maaaring bayaran monthly, quarterly, semi-annually o annually.
Narito po ang schedule ng pagbabayad.
• Monthly- Pay until the last working day of the month being paid for.
Example
Month: January
Deadline: January 31
• Quarterly- Pay until the last working day of the quarter being paid for.
Example
Period: January to March
Deadline: March 31
• Semi-annual- Pay until the last working day of the first quarter of the semester being paid for.
Example
Period: January to June
Deadline: March 31
• Annual- Pay until the last working day of the first quarter of the year being paid for.
Example
Period: January to December
Deadline: March 31
Kung monthly po ang napili ninyong iskema ng pagbabayad, maaari lamang po na bayaran ang kontribusyon sa mga PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO). Subalit ang Quarterly, Semi-annualy at Annually ay maaaring bayaran sa mga Accredited Collecting Agents (ACAs). Para sa kumpletong listahan ng ACAs, pakisundan ang link: https://www.philhealth.gov.ph/partners/collecting/.
Nawa’y ang impormasyon na ito ay nakatulong sa inyo.
Para po sa iba pang katanungan, bisitahin po ang aming website o mag-email po muli at kami ay magagalak na kayo ay mapagsilbihan
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
24-Hour Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: [email protected]
FB: https://www.facebook.com/PhilHealth
Twitter: @teamphilhealth
Address: Citystate Centre, 709 Shaw Blvd., 1603 Pasig City, Philippines
CPL
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.