Matulunging aktres plastikada, maramot sa totoong buhay | Bandera

Matulunging aktres plastikada, maramot sa totoong buhay

Cristy Fermin - January 17, 2018 - 12:15 AM

KAPAG karamutan ang pinag-uusapan ay nangunguna sa listahan ng mga inirereklamo ng kanyang mga dating staff ang isang pamoso at magandang aktres. Kilala siya sa pagiging henerosa sa mga kababayan natin pero para sa kanyang mga dating katrabaho ay puro kaplastikan lang ‘yun.

Paimbabaw lang kuno ang ginagawang pagtulong ng magandang aktres dahil may mga camerang nakatutok sa kanyang mga ginagawa. Pero sa totoong buhay raw ay may karamutan ang magandang female personality.

Halos lahat ng mga nagserbisyo sa kanya ay nagpapatotoo na may kahigpitan ang kanyang mga kamay sa pagbibigay ng kunsiderasyon sa kanyang mga nasasakupan.

Kuwento ng isang source, “Madalas siyang magpalit ng staff. Mahaba na ang isang taon. Pero may mga nagtatagal din naman sa kanya, mas marami nga lang ang nagpapaalam agad.

“Ang palagi nilang katwiran, e, hindi nila puwedeng ipangutang ang kinikita nila sa girl. Mababa kasi, saka kapag nangangailangan sila, hindi nila maaasahan ang kanilang bossing.

“Hindi siya ganu’n ka-generous, hindi siya masyadong matulungin sa mga staff niya, kaya sa ibang tao pa sila nangungutang kapag kailangan nila ang datung.

“Kaya nga ang sinasabi nila, ‘yung nakikita raw nating pagkakawanggawa ng girl, e, hindi naman totoo, it’s all for show raw, dahil dapat, ang una niyang tinutulungan, e, ang mga taong nagseserbisyo sa kanya.

“Kaso, hindi nga siya ganu’n, matindi raw muna ang tanungan bago sila maka-vale sa boss nila. Kapag sinabi niyang hindi puwede, parang utos ‘yun ng hari na hindi mababali,” kuwento ng aming impormante.

Nakakalungkot naman ang ganu’ng kuwento. Ang ganda-ganda pa naman sa imahe ng magandang female personality ang ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan.

“‘’Yun na nga, nakakalungkot, di ba? Basta ang sabi ng mga dati niyang staff, mabuti pa raw ang saging at may puso!” pagtatapos ng aming source.

Nakow, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling tumbukin kung sino siya, wala nang kailangang clue!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending