Bagong member ng 1:43 boyband naglalaway kay Maja
BONGGANG-BONGGA ang mga bagong miyembro ng Pinoy boyband na 1:43.
Fresh at super talented ang apat na new members ng 1:43 na binubuo nina Art Artienda, Ced Miranda, Jason Allen Estroso and Wayne Avellano.
Tinatawag sila ngayon ng kanilang mga supporters bilang Pinoy version ng iconic Taiwanese group na F4 dahil nga sa iba’t iba nilang look at timbre ng boses.
Kamakailan ay ni-release na ng grupo ang kanilang second comeback single na may titulong “Pasensya Na”. Napapanood na rin ngayon ang sosyal at bonggang music video nito sa social media at sa iba’t ibang music channel.
Ang kabuuan ng MTV ng “Pasensya” na ay kinunan pa sa Taiwan kaya naman puro papuri ang ibinibigay ng mga netizen sa 1:43. This is supported and presented by McJim Class Leather.
“If they love the song, they will surely get hooked on this visual and auditory treat of a video that we have prepared for them. Sigurado kaming makaka-relate lahat sa ‘Pasensya Na’ as most of us at one point in our lives have been martyrs of love and slaves to our emotions,” ang sabi ng founder at manager ng 1:43 na si Chris Cahilig.
Chika naman ng apat na miyembro ng 1:43, hugot kung hugot ang tema ng kanilang latest single kaya nga karamihan sa mga nagko-comment sa kanilang mga social media accounts ay nagsasabing relate na relate sila sa mensahe ng kanta.
q q q
Para sa lahat ng hindi pa masyadong pamilyar sa mga bagong members ng grupo, narito ang ilang mahahalagang detalye tungkol sa kanila.
Si Wayne Avellano ay isang dating med-tech sa Winnipeg, Canada na nagdesisyong bumalik sa Pilipinas para tuparin ang kanyang pangarap na maging musikero. Aniya, hindi para sa kanya ang pagiging med-tech dahil nasa musika talaga ang kanyang puso.
Diretso rin niyang sinabi na isa sa celebrity crush niya ay si Sarah Geronimo dahil bilib na bilib daw siya sa talent ng Pop Princess bukod sa sobrang bait ng dalaga.
Si Art naman ay nadiskubre sa isang sari-sari store, “Bumibili lang ako ng energy drink tapos tinanong ako ni Uncle (Chris Cahilig) kung gusto kong maging member ng 1:43 then nagtuluy-tuloy na.”
Member naman dati si Jason Estroso ng grupong Boys Boys Boys at nang magkaroon ng chance, sinubukan niyang mag-audition para sa 1:43 at sinuwerte naman siyang mapili sa dami ng mga young boys na nag-try. Walang hiya-hiyang sinabi ni Jason na super crush niya ang Kapamilya singer-actress-dancer na si Maja Salvador.
Ibang klase raw kasi ang dating sa kanya ni Maja, nakakapaglaway daw ang pagiging hot ng dalaga lalo na pag humahataw na ito sa dance floor.
Ayon naman kay Ced Miranda, dati siyang nagtrabaho bilang hotelier ngunit mas pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang passion sa pagkanta. Kaya nang maging bahagi siya ng 1:43 ipinangako niya na gagawin niya ang lahat para magtagumpay ang kanilang grupo.
In fairness, may promise naman ang mga bagong members ng 1:43 sa mga dating miyembro ng grupo.
Bukod sa magandang boses, matindi rin ang taglay nilang karisma na siguradong mamahalin ng mga Pinoy na mahilig sa boy band.
Nagpasampol pa nga ang apat na binata sa harap ng entertainment media sa kanilang media launch recently kung saan kinanta nila ang hit single noon ng original 1:43 na “Sa Isang Sulyap Mo” na hanggang ngayon ay patok na patok pa rin sa mga OPM lovers.
Sila rin ang nasa likod ng traffic hugot song na “Trapik Tralala” na nag-viral din dahil sa matinding problema ng bansa sa trapiko.
Ang 1:43 ay co-managed nina Chris Cahilig at Mario Colmenares ng Primetime Events and Talent Management.
By the way, “Pasensya Na” is McJim’s official soundtrack in its viral short film “Sinturon,” which garnered millions of views in various Facebook pages in a brief span of time. Watch “Pasensya Na” on 1:43’s social media pages, McJim’s digital platforms and on YouTube!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.