Da who? opisyal gustong maging SC justice | Bandera

Da who? opisyal gustong maging SC justice

Bella Cariaso - January 14, 2018 - 12:10 AM

DA who ang isang opisyal ng gobyerno na nag-aambisyon ngayong maging associate justice ng Korte Suprema kayat kaliwa’t kanan ang pagkuha niya ng suporta at pag-endorso.

Ngayon pa lamang, inaasahan na ng mga nakaupo sa gobyerno na lulusot ang impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kayat todo na ang pumuporma para maikonsidera sa Judicial Bar Council o JBC.

Nabuko ang ambisyon ng opisyal matapos namang magtaka ang mga organized groups kung bakit hindi pa napipirmahan ang ipinangako ni Pangulong Duterte noon pa lamang kampanya.

At sa pagpa-followup ng iba’t ibang grupo, napag-alamang nakatengga ito sa opisina ng opisyal.

Bago kasi umabot sa mesa ni Pangulong Duterte, dadaan lahat ang mga papel sa mesa ni Mr. Official.

Ang siste, sinasadya pala ni Mr. Official na itengga ang papel na for signature na sana ni Digong sa kanyang opisina, bakit?

Dahil nga sa ambisyon ni Mr. Official na maging isang SC Associate Justice, gusto niyang makuha ang suporta at endorsement ng marami para matiyak na magtagumpay siya sa kanyang ambisyon.

Yun nga lang, mismong ang isa sa unang ipinangako ni Pangulong Duterte noong kampanya ang apektado ng pag-aambisyon ni Mr Official.

Nganga tuloy ang mga maraming umaasa sa kautusan ni Pangulong Duterte at siyempre nagdiriwang naman ang mga magiging apektado ng order dahil sa patuloy na delay sa pagpapatupad nito.

Gusto nyo ng clue? Bukod kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, isa si Mr Official sa mga sinasabing malakas bumulong sa Pangulo.

Ito pa ang clue, kung wala si Digong, siya ang nagsisilbing proxy niya.

Give away na yang mga clue mga ka-tropa.

Pero kung totoo mang may ambisyong maging associate justice si Mr. Official, dapat nga magpakita siya ng gilas sa pamamagitan ng pagsusulong ng karapatan ng mga apektadong sektor ng hindi mapirmahang papel dahil sa pagkakatengga sa kanyang opisina.

Ang tanong, alam kaya ni Digong na iniipit ni Mr. Official ang papel?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Teka, malapit na ang Mayo, tiyak kong mauungkat muli ang isyu. Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending