Carpio hindi haharap sa impeachment hearing | Bandera

Carpio hindi haharap sa impeachment hearing

Leifbilly Begas - January 11, 2018 - 06:17 PM

    Nagpasabi na si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na hindi siya makadadalo sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.  Ayon kay House committee on justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali nagpadala ng sulat si Carpio sa komite at sinabi na wala itong personal knowledge sa mga bagay kung bakit siya ipinatawag. “Sumulat po siya na yung mga issues na hihingin sa kanya ng clarification Sinasabi niyang wala siyang personal knowledge,” ani Umali. Ayon kay Umali, sinabi ni Carpio na wala itong personal na alam sa mga isyu ng paglilipat ng pagdinig ng kaso ng Maute sa labas ng Mindanao na hindi umano kaagad inaksyunan ni Sereno at ang pagtatayo ng Judiciary Decentralized Office sa halip na Regional Court Administrator’s Office gaya ng alam ng iba pang mahistrado. Sinabi ni Umali na pag-uusapan ng komite kung wala ng bagay na kailangang bigyang linaw ni Carpio. Sa Lunes ay itutuloy ng komite ang pagdinig sa impeachment ni Sereno. Inaasahan na haharap sa komite sina SC Associate Justices Diosdado Peralta at Lucas Bersamin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending