John Prats direktor na ng Valentine concert ni Moira

By Reggee Bonoan January 11,2018
share this

John Prats direktor na ng Valentine concert ni Moira

By Reggee Bonoan January 11,2018
share this


GOING places na si Moira dela Torre, ang nanalong interpreter ng awiting “Titibo-Tibo” sa nakaraang Himig Handog 2017. Magkakaroon na rin siya ng sariling concert sa KIA Theater sa Peb. 17, at talagang wala siyang keber kung marami siyang kasabay.

“Tagpuan” ang titulo ng solo concert ni Moira at ang magdidirek nito ay walang iba kundi si John Prats na siya ring direktor ng music video nitong “Malaya” featuring Sam Milby and Angelica Panganiban na bahagi rin ng Bright Bulb Productions at co-producer ng Cornerstone Concerts.

Suportado si Moira ng halos lahat ng kapwa niya singers sa showbiz at binabati siya na finally maririnig na sa malaking venue ang kanyang mga awitin.

As of this writing ay pinag-uusapan pa kung sino ang mga guest ni Moira sa kanyang unang solo concert dahil halos lahat nga ng kakilala’t kaibigan niya ay may mga show din ngayong buwan ng mga puso.

Excited din ang supporters ni Moira sa event na ito at nakagugulat dahil napakarami na palang followers and supporters ng dalagang singer. At balita namin napakabilis ng bentahan ng tickets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending