Probinsyano 2 taon nang No. 1; La Luna, TV Patrol, MMK hindi rin matibag-tibag | Bandera

Probinsyano 2 taon nang No. 1; La Luna, TV Patrol, MMK hindi rin matibag-tibag

- January 11, 2018 - 12:20 AM


ABS-CBN ang pinakatinutukang network pagdating sa paghahatid ng mga makabuluhang balita at mga kwentong puno ng aral sa parehong urban at rural homes sa buong bansa noong 2017 matapos makamit ang national audience share na 46%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Namayagpag ang ABS-CBN sa mas maraming tahanan sa bawat parte ng bansa mula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, partikular na sa Metro Manila, kung saan nakakuha ito ng average audience share na 40%.

Tinutukan din ang mga palabas ng Kapamilya network sa Total Balance Luzon kung saan nagkamit ito ng average audience share na 48%, sa Total Visayas kung saan nakapagrehistro ito ng 53%, at sa Total Mindanao kung saan nakakuha ito ng 53%.

Patuloy pa ring nanguna sa national TV ratings ang ABS-CBN noong Disyembre matapos magkamit ng average audience share na 45%.

Matapos ang mahigit dalawang taong pag-ere sa telebisyon, hindi pa rin natitinag ang FPJ’s Ang Probinsyano at malugod pa ring tinanggap sa tahanan ng mga manonood sa pagtala nito ng average national TV rating na 38.6%.

Sinundan ito ng pinag-usapang reality-talent show para sa celebrity kids na Your Face Sounds Familiar Kids na nagkamit ng 35.7%.

Nakiisa rin ang samabayanan sa katuparan ng mga kabataang boses ang puhunan sa kauna-unahang edisyon sa Asya ng The Voice Teens na nakakuha ng 34.4%.

Lubos namang inabangan ang pagbabalik-telebisyon ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa La Luna Sangre (33.8%) na kinasabikan din dahil sa muling pagsasama nina Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Nananatili namang pinakapinanood na newscast sa bansa ang TV Patrol (31.3%) na buong taong naghatid ng mga balita at naghandog ng serbisyong publiko sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng Pilipinas sa ika-30 anibersaryo ng programa. Hindi rin nagpahuli ang pagpapasikat ng mga batang puno ng talento sa Little Big Shots (31.1%) na pinahanga ang mga manonood sa kakaiba nilang galing at talino.

Patok din ang mahika at aral na hatid ng Wansapanataym (29.8%) tuwing Linggo ng gabi. Nagbigay din ng inspirasyon ang MMK (29.6%) sa ika-25 na taon nito sa telebisyon at patuloy na inaantig ang mga manonood sa totoong kwento ng letter senders.

Tinutukan din ang kwento ng kabutihan at pagmamahal sa My Dear Heart (27.6%) at ang kwento ng wagas na pag-ibig sa Magpahanggang Wakas (25%).

Pasok din sa top 20 ang Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home (24.2%), Wildflower (23.8%), Goin’ Bulilit (22.1%), Kapamilya Weekend Specials (Sunday) (19.6%), Rated K (19.2%), at It’s Showtime (18.6%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa bawat time blocks sa buong araw mula Enero hanggang Disyembre 2017, partikular na sa primetime sa pagtala nito ng average audience share na 50%, o kalahati sa mga Pilipinong manonoood sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tinutukan din ang ABS-CBN sa morning block, noontime at afternoon block noong 2017.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending