Relasyon nina Maine at Sef hindi nawasak ng bashers | Bandera

Relasyon nina Maine at Sef hindi nawasak ng bashers

Ervin Santiago |January 10,2018
facebook
share this

Relasyon nina Maine at Sef hindi nawasak ng bashers

Ervin Santiago - January 10, 2018 - 12:25 AM

 

MAINE MENDOZA AT SEF CADAYONA

MAGKAIBIGAN at nananatili pa ring maganda ang relasyon nina Maine Mendoza at Sef Cadayona sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan nila last year.

Kahapon, sa grand presscon ng bagong weekly fantasy-adventure series ng GMA 7, ang Sirkus, game na game na sinagot ni Sef ang mga tanong tungkol sa naiskandalong friendship nila ng Dubsmash Queen.

Dito dinenay ng Kapuso comedian na nagkaroon sila ng relasyon ni Maine.

“Walang break-up na nangyari dahil wala namang ibe-break. Magkaibigan pa rin kami and we still talk. Wala namang nagbago. And yung tungkol sa bashers, actually matagal na namang wala, tahimik na, okay na,” paliwanang ni Sef kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng blessings na tinanggap niya last year at patuloy na tinatanggap ngayong 2018 kabilang na nga itong bonggang pasabog ng GMA na Sirkus.

Dagdag pa ng binata, hindi rin totoo ang kumalat na chika na nakapunta na siya sa bahay nina Maine and vice versa, “Yan ang gusto kong linawin, hindi pa ako nakakarating sa bahay nila at never pa rin siyang nakabisita sa bahay namin. We hang out as friends with our common friends. And that’s just it.”

Feeling blessed si Sef dahil sa pagpasok pa lang ng 2018 ay marami na agad siyang trabaho, kabilang na nga ang Sirkus under GMA News & Public Affairs na mapapanood tuwing Linggo. Magsisimula na ito sa Jan. 21 sa direksyon ng internationally-acclaimed writer-director Zig Dulay.

Makakasama rin sa Sirkus sina Cherie Gil, Gardo Versoza, Zoren Legaspi, Angelu de Leon, Mikee Quintos, Mikoy Morales, Andre Paras, Klea Pineda, Chariz Solomon, Tetay na may kanya-kanyang super powers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending