Dalawang beses nagkaaberya ang operasyon ng Metro Rail Line 3 kaninang umaga.
Alas-8:19 ng umaga ng pababain ang mga pasahero ng tren sa Shaw Boulevard station south bound. Nagkaroon ng technical problem ang tren.
Pinababa rin ang mga pasahero ng tren sa Shaw Boulevard station north bound alas-10:02 ng umaga.
Nasira ang pintuan at kailangang muna itong ayusin bago muling payagan na makabiyahe ang tren.
Ngayong taon ay walong beses ng nasisira ang tren ng MRT habang nasa biyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending