Michelle Vito tumodo sa pagdadrama sa MMK | Bandera

Michelle Vito tumodo sa pagdadrama sa MMK

- January 06, 2018 - 12:35 AM

SISIRAIN mo ba ang iyong buhay nang dahil lang sa pagkukulang ng iyong mga magulang?

Kakalimutan mo ba ang lahat ng sakripisyo at paghihirap ng iyong ina nang dahil lang sa kakulangang nararamdaman mo sa iyong pagkatao? Yan ang sasagutin sa episode tonight ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN hosted by Charo Santos.

Lumaki si Gelai (Michelle Vito) at ang kanyang mga kapatid sa pangangalaga ng kanyang mga tiyahin, kinailangan kasing magtrabaho ng kanyang ina para sa kanilang kinabukasan.

Ibinigay sa kanya ang lahat ng pagmamahal at materyal na bagay habang siya’y lumalaki pero pakiramdam niya, kulang pa rin ito – nais pa rin niyang magkaroon ng buo at masayang pamilya.

Sa kanyang pagdadalaga, natutong magrebelde si Gelai, gumawa ng mga bagay na taliwas sa turo ng kanyang ina at mga tiyahin. Maaga rin siyang nag-boyfriend sa pag-aakalang mapupunan nito ang kakulangan sa kanyang buhay.

Ngunit sa pagdaan ng panahon, mas lalong mapapariwara si Gelai at matututong magbisyo. Isang gabing lasing na lasing na umuwi siya ng bahay, nailabas niya sa kanyang pamilya ang lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob at kung bakit galit na galit siya sa mundo.

Dito ikina-shock ni Gelai ang naging reaksyon ng kanyang mga kapamilya na siya ring nagpabago sa kanyang buhay.

Ito’y sa direksyon ni Nuel Naval at sa panulat ni Benson Logronio. Makakasama rin sa MMK episode ni Michelle Vito ngayong gabi sina Alma Moreno, Shamaine Buencamino, Andrea del Rosario, Krystal Mejes as Young Gelai, Trina Legaspi, Jef Gaitan, Karel Marquez, Ryle Santiago, Alex Diaz, Anjo Damiles at Lilygem Yulores.

Samantala, umaasa si Michelle Vito na magugustuhan ito ng mga manonood, “Mapapakita ko rito ‘yung mas more on heavy drama talaga. First time ko kasing gumawa ng MMK na as in sobrang drama. Unlike kasi before, support lang and everything. Ito, first time ko rito sa MMK na talagang sa akin iikot ang story at saka ‘yung talagang acting talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending