DA who ang isang kontrobersiyal na opisyal ng isang ahensiya na bigla na lamang nagpapansin dahil dedma na ang publiko sa kanyang mga pakulo.
Matagal-tagal nang hindi nasasama sa limelight ang opisyal kaya nitong nakaraang araw, gumawa na naman ng pakulo ang opisyal para mapag-usapan.
Ilang buwan na kasing walang publicity ang opisyal dahil nga ayaw nang patulan ang kanyang kababawan.
Halatang worried ang opisyal na mabulilyaso ang kanyang ambisyon kayat halatang gusto na namang mapag-usapan kayat nagtangka na namang ipulutan ang kanyang paboritong
topic.
Nitong nakaraang mga araw kasi, balita namang nag-aaway-away na sila ng mga kasama niya sa grupo dahil sa obvious na rason, alam nyo na kung ano ‘yun.
At dahil nga lumipas ang Pasko na wala nang naririnig na balita sa opisyal, gumagawa na naman ng isyu para muling mapag-usapan.
Balitang-balita kasi na maging ang kanyang boss sa ahensiya ay dumidistansiya na sa kanya dahil may sariling ambisyon ang kalihim.
Hindi rin siya makaporma sa isa pang opisyal na kauupo lang dahil bukod sa mas madaldal ito sa kanya, matapang ang opisyal at hindi basta nagpapasindak sa kanyang grupo.
Bagamat nabalita na ng lahat ang kanyang iniisyu, ginawang topic pa rin ito ng opisyal sa paghahangad na mapag-usapan.
Gusto n’yo ba ng clue? Hindi bat isa ang opisyal na ito sa nagbigay ng hindi kanais-nais na reputasyon sa Pilipinas sa isang pandaigdigang pagpupulong na ginawa sa bansa matapos naman ang ginawang eksena ng kanyang grupo?
Tiyak na nakarating sa Pangulong Duterte ang ginawa ng grupo ng opisyal.
Sabi nga, sa atin kasing mga Pilipino, hindi binabastos ang mga bisita lalo na kung ikaw ang nag-imbita.
Gets n’yo na ba ang tinutukoy ko?
Isa pang clue, siyempre sino ang hindi nakakakilala sa tinaguriang “guru”. ‘Yun na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.