Coco, Vice hari't reyna pa rin, parehong nagtagumpay sa MMFF | Bandera

Coco, Vice hari’t reyna pa rin, parehong nagtagumpay sa MMFF

Cristy Fermin |December 30,2017
facebook
share this

Coco, Vice hari’t reyna pa rin, parehong nagtagumpay sa MMFF

Cristy Fermin - December 30, 2017 - 12:05 AM


ISANG napakasarap na bakasyon-grande ang dapat na maging premyo ng actor-director-producer na si Coco Martin. Pagkatapos nang ilang buwan niyang pagtatrabaho nang singkad ay dapat lang niyang premyuhan ang kanyang sarili ng isang masarap at napapanahong bakasyon.

Positibo ang naging resulta ng kasipagan ni Coco, nangunguna ngayon sa takilya ang kanyang pinaghirapang pelikulang “Ang Panday”, aliw na aliw ang mga kababayan natin sa bagong atakeng ibinigay niya sa makasaysayang obra ni Direk Carlo J. Caparas na pinasikat naman ng namayapang Action King na si FPJ.

Tapos na ang kanyang pag-aalala, tapos na ang kanyang pangamba na baka hindi mapusuan ng mga Pinoy ang bago niyang atake, kabaligtaran nu’n ang nangyayari ngayon sa box-office.

Hindi simple ang kanyang pinagdaanang pagod nitong mga nakaraang buwan. Habang kinakarir niya ang pag-arte at pagdidirek sa “Ang Panday” ay tuluy-tuloy ang kanyang taping sa Ang Probinsyano na humahataw naman sa labanan ng rating. Kung paano niya nagawa ‘yun nang magkasabay ay ngiti lang ang isinasagot ng guwapong aktor.

Magkalaban sa pag-uunahan sa takilya ang mga pelikula nila ni Vice Ganda, ang nagrereyna palagi sa MMFF, pero mukhang sisilatin ngayon ng action star ang kartada ng magaling ding komedyante-TV host.

Ang mahalaga ay pareho silang nagtagumpay. Nagkaroon ng saysay ang kanilang mga sakripisyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending