Palasyo ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon sa Mandaluyong shooting incident
PINAG-UTOS ng Palasyo ang malalimang imbestigasyon kaugnay ng nangyaring pamamaril sa Mandaluyong City kung saan dalawa ang namatay matapos mali ang nabaril na sasakyan ng mga rumespondeng pulis sa kahabaan ng Shaw Boulevard kagabi.
“Matter will be investigated fully even if there appears to be excessive force utilized by police authorities. It’s also proper that policemen involved have been disarmed and their movements restricted,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sakay ng kotse ang isang sugatang babae papuntang ospital matapos nang paputukan ng mga pulis sa pag-aakalang ito ang sangkot sa pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.