Mandaluyong Police chief, 10 pang pulis sibak matapos ang ‘deadly mistake’
SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Mandaluyong Police at 10 ng kanyang mga tauhan nitong Biyernes matapos ang shooting incident na ikinasawi ng dalawa katao.
Iniutos ni National Capital Region Police (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde ang pagsibak kay Sr. Supt. Moises Villaceran Jr. at 10 tauhan niya. Huwebes ng gabi, pinagbabaril ng Mandaluyong police kasama ang ilang barangay tanong ang mga pasahero ng isang puting Mitsubishi Adventure van sa Shaw Boulevard corner Old Wack-Wack Road.
Sinasabing kaso ng mistaken identity ang nangyaring pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.