GF na palaging ‘nega’ gustong kalasan | Bandera

GF na palaging ‘nega’ gustong kalasan

Beth Viaje - December 29, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Isa po ako na laging nakasubaybay sa kolum mo.

Tanong ko lang po, tama bang iwanan ko na yung girlfriend ko na wala na yatang ginawa sa sarili kundi magpaka-nega sa bawat makikita niya o sinong makakausap niya.

Parang di ko kaya na may makasama na laging ang pangit ng tingin sa paligid niya.

Ewan ko ba kung bakit ko siya nagustuhan, hindi naman siya ganito dati. Two years na kaming mag-on.

Pero mahal ko pa naman siya, di ko lang minsan ma-take ang negativity niya.

– Balong, Nueva Vizcaya

 

Dear Balong,

KUNG tamang basta na lang iwan si girlfriend dahang paliwanag o dahilan, siyempre hindi.

She deserves an explanation, nakks…pang papa P lang?!

Anyway, mag-usap kayo. Alamin kung bakit ba siya laging tunog-nega? Baka may dinaramdam o mag pinagdadaanan siya. Alamin mo ito. Ikaw, bukod sa lahat, ang dapat na makaunawa sa kanya o sa kanyang pinagdadaanan.

Sabihin mo ang obserbasyon mo. Baka naman wala rin siyang natatanggap na encouragement sa mga taong malapit sa kanya, kabilang ka na. Sabi mo nga, hindi naman siya ganyan dati, baka may nangyari na hindi mo napansin at nakita mo na lang na ganyan na si ate, nega na.

Usap kayo, Balong. Baka rin hindi siya aware na nagdidilim na yung puso niya kaya puro nega na lang ang nakikita niya. I-try mong maging ilaw sa buhay niya. Hindi ba’t mahal mo siya? I-try mong maging positive influence sa kanya. Nega na nga iiwan mo pa, ano nang mangyayari sa kanya kung ganon?!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung mahal mo siya tulungan mo siyang makita ang ganda ng nakapaligid sa kanya. Kung iiwan mo siya na ganyan lang sino ang mas nega ang dating?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending