Bimby mas matapang kay Kris sa paglaban sa mga bashers
SUSUPORTAHAN ni Kris Aquino ang bunsong anak na si Bimby kung anuman ang maging choice nito sa kanyang buhay in the future.
Ito’y sa gitna pa rin ng usapin tungkol sa sexuality ng bagets na patuloy na ginagawang isyu ng ilang bashers.
Una nang nagsalita si Kris about this sa isang video nilang mag-ina sa social media kung saan mismong si Bimby na ang sumagot sa mga netizen na nagtatanong kung “gay” ba siya?
Ayon sa unang pagtatanggol ni Kris sa anak, “It’s not easy to be my kids because wherever they go, di ba, may social media, may mga issues, may mga ano?”
Sa kanyang Twitter account naman, muling nag-post ng mensahe ang Queen of All Media matapos i-share ang ginawang pagtatanggol kay Bimby.
Tweet ni Kris, “I am doing my very best to raise a well informed & respectful son. Thank you for recognizing that.”
One hundred percent din daw niyang susuportahan kung anuman ang maging choices ng bagets sa kanyang paglaki.
Aniya, “I only pray that he shall remain kind-hearted, compassionate, responsible, studious, hardworking, articulate, determined and respectful.”
Dagdag pa ni Kris, bilib siya sa anak dahil, “He has much thicker skin than me in dealing with bashers, trolls, and negativity. So come what may I know I have raised not a follower, not just a survivor, but a self assured leader.”
Samantala, marami nang nakapanood ng video ni Kris kung saan ibinahagi niya sa kanyang followers ang ilang magagandang parts ng kanyang bahay.
Dito sinabi ni Kris kung bakit memorable sa kanya ang pelikulang “Return Of The Jedi”, “This is the last movie I got to watch with my dad.” They were still living in Boston, Massachusetts when they watched it. It was also the first time Kris got interviewed.”
Ayon pa sa bagong Queen of Social Media at Internet World, hindi sa ipinagyayabang niya ang kanyang bahay, pero bilang pasasalamat sa lahat ng mga hindi bumitiw ng pagsuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.
“THANK YOU… because it felt right for me to share w/ all of you as a symbol of my GRATITUDE what your SUPPORT & loyal encouragement for my new endeavors has continued to help me accomplish as a parent- the chance to continue giving my sons a comfortable home filled w/ LOVE.
“From the Aquinos–maraming salamat sa privilege na maging parte pa rin ng inyong mga buhay, kahit wala na ko sa TV–nagawan pa rin natin ng paraan matuloy ang #lovelovelove ON LINE. You must really care about me kasi care bears nga kayong maubusan ng data load just so you can watch my videos. Love you all, good night,” sabi pa ni Kris.
Nasa Tokyo, Japan ngayon si Kris para makapag-bonding silang muli ng dalawang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.