4 opisyal ng ERC suspendido ng 1 taon, 1 dating opisyal pinagmumulta | Bandera

4 opisyal ng ERC suspendido ng 1 taon, 1 dating opisyal pinagmumulta

Leifbilly Begas - December 21, 2017 - 07:41 PM

Ombudsman Morales

Sinuspinde ng isang taon ng Ombudsman ang apat opisyal ng Energy Regulatory Commission kaugnay ng pagpapaliban umano sa pagpapalabas ng rules para magsagawa ng competitive bidding sa pagbili ng kuryente ng Meralco.
Ang suspensyon ay ang parusa kina Commissioners Gloria Victoria Yap-Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Magpala-Asirit at Geronimo Sta. Ana na napatunayan umanong guilty sa kasong administratibong conduct prejudicial to the best interest of the service.
Guilty rin sa kaparehong kaso si dating ERC Chairman Jose Vicente Salazar, na tinanggal ng Malacanang noong Oktobre. Dahil wala na sa serbisyo siya ay pagmumultahin ng kasing halaga ng kanyang anim na buwang sahod.
Silang lima ay kakasuhan din ng graft sa Sandiganbayan.
Ang kaso ay kaugnay ng rule ng ERC para sa competitive bidding sa pagbili ng kuryente. Ipatutupad ito dapat noong Nobyembre 6, 2015 pero pinalawig ng ERC ang deadline hanggang Abril 30, 2016.
Dahil dito nabigyan umano ng pagkakataon ang Meralco na pumasok sa pitong power supply agreement sa mga generating companies na may kaugnayan dito.
Kinuha umano sa mga kasunduang ito ang suplay na 3,551 megawatts na napakalaking bahagi ng kinakailangang 4,500 megawatt na suplay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending