Patay kay 'Urduja' lampas 60 na | Bandera

Patay kay ‘Urduja’ lampas 60 na

John Roson - December 21, 2017 - 07:33 PM
Pumalo na sa 62 ang naiulat na nasawi at mahigit 20 pa ang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong “Urduja” sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon noong nakaraang linggo, ayon sa mga otoridad Huwebes. Limampu’t apat na ang naitalang nasawi at 24 pa ang nawawala sa Eastern Visayas, sabi ni Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng regional police. Karamihan pa rin sa mga nasawi at nawawala sa rehiyon ay naitala sa lalawigan ng Biliran. Kabilang sa mga pinakahuling narekober si Annie Lacampara, 50, isa sa mga biktima ng landslide sa Sitio Macalpe, Brgy. Cabibihan, Caibiran, Biliran. Natagpuan ang mga labi ni Lacampara sa baybayin ng Brgy. Tomalistis, Caibiran, dakong alas-10 ng umaga Huwebes, ani Rentuaya. Narekober naman noong Martes ang mga labi ng mag-asawang Masuline, 68, at Matilde Romero, 62, San Fernando, Romblon, nitong Martes ng hapon, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police. Nahugot ang bangkay ng dalawa sa na-landslide na bahagi ng Sitio Parao, Brgy. Mabini, matapos ang dalawang araw na search and rescue operations, aniya. Inulat naman ng Office of Civil Defense-Bicol na anim katao ang nasawi sa rehiyon, bagamat tinitiyak pa kung may kaugnayan nga sa bagyo ang pagkasawi ng tatlo. Apat sa mga nasawi’y naitala sa mga bayan ng Palanas at Placer, Masbate; isa sa Labo, Camarines Norte; at isa sa Libmanan, Camarines Sur, ayon sa OCD.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending