Kylie ginawan ng sariling Instagram account si Baby Alas
Jun Nardo - Bandera December 21, 2017 - 12:25 AM
GINAWAN ni Kylie Padilla ng sariling Instagram account ang anak nila ni Aljur Abrenica na si Baby Alas.
Nu’ng simula, atubili siyang gawan ang IG ang bata pero bumigay na rin siya. Basta sisiguruhin lang nila ni Aljur na kontrolado pa rin nila ang inilalabas sa IG.
Ibabahagi ni Kylie ang ilan niyang kuwento tungkol sa anak sa IG nito pati na ang ilang milestones sa buhay ng bata.
Kung baliw na baliw sina Aljur at Kylie sa guwapitong anak, mas baliw na baliw kay Alas ang lolo niyang si Robin Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending