OFW bank hihigitan serbisyo ng ibang bangko | Bandera

OFW bank hihigitan serbisyo ng ibang bangko

Susan K - December 20, 2017 - 12:10 AM

USAP-usapan na ang pagbubukas ng OFW Bank sa 2018.

Nagsisimula pa lamang ang Bantay OCW noon, 20 taon na ang nakararaan, ay narinig ang pagtatayo ng bangko para sa mga OFW.

Sinimulan ang attempt na ito ng mga Pinoy sa Europa na hindi natuloy.

Pero sa ilalim ng Duterte administration, tuloy na tuloy na ang pagbubukas at pagbibigay-serbisyo ng OFW bank sa mga Pinoy sa abroad.

Alam natin na kapag usaping pera ay sensitibo, lalo pa’t salaping pinaghirapan at pinuhunanan ng mga Pilipino ng kanilang pagsasakripisyo pati na ang tinitiis na pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Magkakaiba ang naging reaksyon ng OFW at maging ng mga kapamilyang tumatanggap ng mga padalang dolyar ng OFW hinggil sa isyung ito.

Una, excited at saya ang naramdaman ng marami. Sa wakas, sa tingin nila, may bangko na silang maituturing na talagang kanila. Bangkong magseserbisyo at tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Ngayon na naririyan na nga at handa na ang OFW Bank ay may nagsasabing hindi sapat na tapatan nila ang serbisyo at mga pribilehiyong tinatamasa nila mula sa mga commercial bank. Dapat daw nilang higitan iyon.

Dahil kung tatapatan lamang umano ng OFW Bank ang mga commercial banks, wala ring bago. Bakit pa sila lilipat ng banko gayong pareho din naman pala?

Present palagi ang isyu ng trust at confidence pagdating sa banking system.
Kapag money matters umano dapat ay may tiwala at kumpiyansa sila sa paglalagakan ng kanilang salapi.

Hindi rin nila umano ipagkakatiwala ang salaping pinaghirapan na dapat makarating sa mga kapamilyang naghihintay rito.

May ilan namang nagsasabi na susubukin muna nila ang bagong bangko at kung marami itong maiaalok para sa ating mga OFW, walang dahilan upang hindi sila lumipat at gamitin ang serbisyo ng OFW Bank.

Nais ding alamin ng ating mga kababayan kung sinu-sino ang mga opisyal na itatatalaga rito. May mataas daw bang kredibilidad ang mga taong iyon? Wala bang bahid ng isyu ng korupsyon?
Hindi ba nasangkot sa anumang usapin ng katiwalian?

Aba, marami pa lang dapat isaalang-alang ang pamahalaan sa pagbubukas ng OFW Bank. Hindi iyon ganoon kasimple na magbubukas ng isang banko, kundi dadaan ito sa masusing pagbusisi ng kanilang paglilingkuran, ang mga OFW.

Para kasi sa ating mga OFW, pinaghirapan nila ang bawat dolyar hanggang sa pinakahuling sentimo na inilalagak nila sa bangko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending