Kris 2 beses niyayang pakasal ni Bistek: Pero ibinalik ko ‘yung ring sa kanya!
ANO kaya ang reaksyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa naging rebelasyon ni Kris Aquino sa panayam ng People Asia (December 2017-January 2018 issue) na dalawang beses palang nag-propose ng kasal sa kanya si Bistek.
Nanlalaki ang mga mata namin habang binabasa ang panayam kay Kris ni Bum Tenorio, Jr. dahil pasabog ang bawat sagot nito.
Bahagi ng pahayag ni Kris, “One of the lowest moments of my life, I still remember the date, April 8, 2014, inatrasan ako ng kasal ni Herbert.
“Over the phone, I was in Bellevue Hotel in Alabang because we were celebrating (advance) the 7th birthday of Bimb (Bimby). It was that afternoon when I got the call. It did not hit me at first because we were having a party.”
Ayon pa sa biggest influencer sa social media ayon mismo sa Google at YouTube ay muling nag-propose si Bistek sa kanya noong Enero 22, 2017 habang nasa Rome, Italy sila.
Sabi raw ni Herbert kay Kris, “Ang tagal kong utang ito sa ‘yo. So, pwede bang makabawi ngayon?”
Tinanggap naman daw ni Kris ang singsing na D-color heart-shaped diamond ring pero kinabukasan ay isinauli ito ng Queen of Social Media and Online World.
Aniya, “I returned it the next day because I said that we will always have responsibilities that came before he and I met. And as long as our children are not done yet with their studies, I don’t think we have the freedom to be able to choose happiness.
“I returned the ring not because gusto kong iparamdam sa kanya kung anong ipinaramdam niya sakin three years ago before that. It was because nagising na ako, I just realized that a person like him and a person like me can’t be together because in a home there can only be one star. And I think, a union like that would require me to no longer be me. And I still want to be me,” paliwanag pa ni Kris.
Isa pang dahilan kung bakit mas lalong humanga si Kris kay Herbert ay dahil noong panahong nag-bail si dating Presidente Noynoy Aquino para sa ikinaso sa kanya sa Mamasapano tragedy na nangyari noong 2015 ay nasa Sandiganbayan din ang Quezon City Mayor.
“I admire him so much because he was willing to be the knight in shining armor and he came back when I was already nobody. He came back when I had no network, I had no power, we had no base, du’n ako humanga sa kanya. The admiration grew deeper because he was a Sandiganbayan when Noy posted bail,” aniya pa.
Hindi rin daw ma-explain noon ni Kris na niyaya siyang pakasal ni Bistek pero wala naman daw silang relasyon.
“We don’t even have a relationship at all. I don’t count it anymore because it was always nauudlot. I told him, ‘tayo ‘yung perfect na what-could-have-been so let’s just leave it there.’ I really appreciated it that he came back to my life when I was a nobody,” ani Tetay.
Pero kung sakaling yayain daw ulit siya ni Herbert sa ikatlong pagkakataon na pakasal ay dapat pagkatapos na ng termino nito bilang Mayor.
“I think if he’s coming back, the perfect time would be June 30, 2019 (when his term as mayor ends).
Then we’d know that we are both in it for real kasi I’m not after business permits,” tugon ni Kris.
q q q
Samantala, tulad ng nasulat namin dito kahapon, maraming kumpanya ang gustong makipag-partner kay Kris sa 2018.
Sobrang effective raw kasi ang Instagram ni Kris na may 3.2 million followers, 1.3 million followers naman sa Twitter at 80,033 subscribers sa YouTube. Mahigit isang milyon din ang sumusubaybay sa kanya sa Facebook kaya marami ng company ang nagtitiwala sa kanya para magpa-advertise sa kanyang social media accounts.
Successful businesswoman na rin si Kris dahil sa dami ng kanyang mga negosyo, kabilang na riyan ang kanyang mga food store. Sa katunayan, may mga bago na naman siyang branch na bubuksan next year.
Nakatakda ring gumawa ng pelikula si Kris sa Quantum Films (co-producer din siya) na nakatakda nang simulan sa Marso, 2018 at posibleng ipalabas sa Agosto kasabay ng 9th death anniversary ng kanyang inang si ex-President Corazon Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.