Maymay nagpasalamat sa mga bashers: Wala ako rito kung hindi dahil sa kanila! | Bandera

Maymay nagpasalamat sa mga bashers: Wala ako rito kung hindi dahil sa kanila!

- December 19, 2017 - 12:05 AM

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

HALOS isang taon nang namamayagpag sa mundo ng showbiz ang tambalang Edward Barber at Maymay Entrata. At in fairness, sa maikling panahong ‘yun ay napakarami nang nangyari sa kanilang career.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang tambalang MayWard na kabilang na sila sa mga artistang pinanonood sa ABS-CBN. Napakalaki raw ng utang na loob nila sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 dahil ito ang nagsilbing pintuan para unti-unti nilang matupad ang kanilang mga pangarap.

Siyempre, hindi pa rin maiiwasan na kasabay ng kanilang pagsikat ay ang patuloy na pamba-bash ng mga haters, lalo na sa social media.

Ayon kay Edward sa panayam ng ABS-CBN tungkol sa cyberbullying, “The worst thing that anyone can ever experience is getting their family and friends bashed for no reason.

“That’s probably the hardest thing to read because you know your family didn’t do anything wrong and they’re getting that treatment because of you.”

Para naman kay Maymay, hangga’t malakas ang faith niya sa Diyos at wala siyang sinasaktang kapwa, wala siyang dapat ikabahala, “In God’s mirror, we are all perfect. Ano pa ba ang ipapakita mo sa kanila kung ang importante naman ay kung ano ka sa Kanya?”

Hirit naman ni Edward, natutunan na rin nila ni Maymay ang pagtanggap sa katotohanan na hindi lahat ng tao ay magiging kakampi nila at maniniwala sa kanilang talento.

“For example, one million people say ‘Edward, you’re the worst actor ever, but one director says I’m getting better, bahala na ‘yung one million.”

Pahabol naman ni Maymay, “Nagpapasalamat ako sa (bashers) dahil hindi ako makakarating kung nasaan ako ngayon kung wala sila.”

Sa huli nagbigay ng mensahe si Edward sa lahat ng mga supporter ng MayWard, “Everyone has their own strength. Those who are trying to pull you down are usually the people who haven’t found it yet.”

Samantala, bukod sa kanilang mga programa sa ABS-CBN, inaasahang mas maramin pang proyektong gagawin ang MayWard sa darating na 2018 kaya siguradong matutuwa ang kanilang mga fans sa pagpasok pa lang ng Bagong Taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi nga ni Maymay, hinihiling nila ni Edward sa Diyos na mas maging masagana ang 2018 para sa lahat ng Pinoy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending