Male star ilang beses nang nangakong titigil na sa bisyo pero laklak pa rin ng laklak
PANAY-PANAY ang pangako ng isang kilalang male personality na magbabago na siya. Paniwalaan na raw sana ng publiko ang kanyang pangako na ibang-iba na siya nga-yon kesa sa dati.
Tutal naman ay malapit na ang Pasko, sana raw ay ibigay na lang na regalo sa kanya ng ating mga kababayan ang paniniwala na oo nga, nagbago na siya.
‘Yun mismo ang litanya ng aktor sa kanyang mga kaibigan, pinakamagandang regalo na raw na matatanggap niya ngayong Kapaskuhan ang tiwala ng mga taong inis na inis na sa kanyang mga pinaggagagawa, wala nang iba pa.
Kuwento ng aming source, “So, ‘yung mga pinaghingahan niya naman ng sama ng loob, e, parang naniwala sa mga litanya niya. Oo nga naman, puwede namang magbago ang tao, everybody naman deserves a second chance.
“Hindi na nga second chance ang hinihingi niya, ang dami-dami nang chances, napakaraming pagkakataon na ang ibinigay ng buong mundo sa kanya para siya magbago, kaso, napakapasaway niya naman!
“Naawa sa kanya ang tropang kinausap niya, kahit sila, wish nila na sana nga, e, paniwalaan naman ang co-star nila this time,” simulang kuwento ng aming impormante.
Heto na. Pagkatapos lang nang apat na araw, may tumawag sa mga kaibigan ng male personality, nagwawalwal na naman siya sa isang maliit na bar na malapit lang sa tinitirhan niyang subdivision.
Balik-kuwento ng aming source, “Napatunayan ng magkakatropa na totoo nga, i-nom na naman nang inom ang kanilang kaibigan. Nu’ng malasing na, e, nakikipagtalo na naman siya sa mga customers.
“Ganu’n naman siya talaga kapag lasing na, huwag mo siyang kokontrahin sa mga kuwento niya at ang ending nu’n, e, malaking away na! Hindi na talaga siya magbabago!” pagtatapos ng aming source.
Siguradong sa umpisa pa lang ng kuwento, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ay tumbok n’yo na kung sino ang barumbadong male personality na ito. Peksman!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.