Ormoc isinailalim sa state of calamity dahil kay ‘Urduja’ | Bandera

Ormoc isinailalim sa state of calamity dahil kay ‘Urduja’

- December 17, 2017 - 04:15 PM

ISINAILALIM ang Ormoc City sa ilalim ng state of calamity matapos manalasa ang bagyong Urduja sa lungsod.

Inaprubahan ng Ormoc Sangguniang Panglungsod Resolution No. 354 na nagdedeklara ng state of calamity sa buong lungsod bunsod ng flashflood at landslide, ayon kay Mayor Richard Gomez sa kanyang post sa Facebook.
Pinirmahan ang resolusyon matapos ang isinagawang special session noong Sabado, batay na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Noong Biyernes, isinailalim na ang Tacloban sa state of calamity bunsod ng flooding at landslide dulot ng bagyong Urduja.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10121, maaaring gamitin ng lokal na pamahalaan ang limang porsiyento ng budget nito para sa kalamidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending