Mariel sa bashers: Wala akong paki! | Bandera

Mariel sa bashers: Wala akong paki!

Ervin Santiago |December 17,2017
facebook
share this

Mariel sa bashers: Wala akong paki!

Ervin Santiago - December 17, 2017 - 12:40 AM

MARIEL DE LEON

WALANG pakialam si Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon sa kanyang bashers at haters sa social media.

Naniniwala ang dalaga na lahat ng tao ay may karapatang ipahayag ang kanyang feelings, kaya wine-welcome niya ang lahat ng mga kritisismo laban sa kanya. Huwag lang daw idadamay ang kanyang pamilya dahil ibang usapan na raw ‘yun.

Pagkatapos ng celebrity and press screening ng first movie ni Mariel na “Ang Panday” na pinagbibidahan ni Coco Martin, tinanong namin ang beauty queen-actress kung may mensahe ba siya para sa kanyang bashers, ngumiti muna siya bago sumagot.

“Wala naman akong sasabihin sa kanila. I don’t care. I don’t care about what other people think or say about me. For as long as I’m happy about myself, and nagagawa ko ‘yung mga gusto kong gawin, I’m okay with that. I’ll just say what I’ll say and do what I want,” matapang na tugon ng leading lady ni Coco sa “Ang Panday”.

Hirit pa niya sa isang hiwalay na panayam, “If I wanna say something, I’ll say it. If someone doesn’t like it, it’s not my problem.”

Samantala, pasado rin sa mga manonood ang ipinakitang akting ni Mariel sa MMFF 2017 entry na “Ang Panday”. Siya ang love interest ni Coco sa pelikula bilang si Flavio III, pero kontrang-kontra ang kanyang mga magulang sa binata dahil mahirap lang ito at nabubuhay lang sa pagtitinda ng kutsilyo, itak at lagare.

Aminado naman ang dalaga na hindi pa talaga siya matatawag na aktres kahit na nga mga award-winning pa ang kanyang parents na sina Boyet de Leon at Sandy Andolong. Pero sey ni Mariel, willing naman siyang matuto pa pagdating sa aktingan.

Ayon pa sa beauty queen turned actress, nakaka-proud daw na nakasama siya sa isang napakalaking pelikula at nakasali pa sa taunang filmfest. Habang pinapanood nga raw niya ang “Panday” ay kinikilabutan siya.

Para naman kay Coco, naibigay naman ni Mariel ang tamang timpla ng akting sa “Ang Panday” na showing na sa Dec. 25 bilang bahagi ng 2017 MMFF.

Pinuri rin niya si Mariel at ang isa pang beauty queen na kasama rin sa pelikula, si Kylie Versoza, dahil kahit first time nilang umakting ay nagpakitang-gilas na agad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending