Luis papasukin na rin ang food business kaya nag-aaral magluto

By Jun Nardo December 15,2017
share this

Luis papasukin na rin ang food business kaya nag-aaral magluto

By Jun Nardo December 15,2017
share this

LUIS MANZANO

NAG-AARAL na si Luis Manzano ng ilang recipes nang maispatan siya sa GalaStars Culinary na pag-aari ng anak ng kilalang culinary mentor na si Sylvia Reynoso-Gala, si Chef Ernest Gala o mas kilala bilang Chef Erns.

Ayon sa chika ng isang kaibigan ng TV host-actor, gumawa ng opt riast at chocolate chip oatmeal cookies ang BF ni Jessy Mendiola. Sa tanong kung anong puwede niyang iluto para sa inang si Cong. Vilma Santos-Recto, salpicao pasta raw ayon sa panayam sa kanya ni Bayani San Diego, Jr. ng Philippine Daily Inquirer.

Ang GalaStars ay isang sikat na cooking school na tumutulong sa ating mga kababayan na nagnanais magtrabaho bilang chef sa ibang bansa o di kaya’y nais magtayo ng negosyo tulad ng catering.

Chika pa ng friend ni Luis, inalok din daw ang TV host-comedian na mag-invest sa food business.

Malamang na maisakatuparan niya ang alok na ito kasama ang ilang kaibigan next year.

Kelan naman kaya ang kasal nila ni Jessy? Isang makahulugang ngiti lang ang tugon ni Luis sa tanong na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending