Tulungan si ex na maka-move on | Bandera

Tulungan si ex na maka-move on

Beth Viaje - December 13, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Magandang araw po. Nais ko po sanang ihingi ng payo sa inyo itong problema ko sa dati kong misis.

Almost 10 years na po kaming hiwalay at masasabi ko pong naka-move on na ako. May iba ng asawa at dalawang anak na po ako.

Ang kaso po, ang dati kong misis ang hindi pa rin maka-move on hanggang ngayon. Lahat po ng panggugulo ay ginagawa niya sa bago kong pamilya.

Hindi naman po ako nagkukulang sa anak namin. Ako lahat ang sumasagot sa gastusin ng isa naming anak na ngayon ay nasa kolehiyo na. Wala na po talaga akong nararamdaman sa kanya. Minsan po, kahit awa wala na rin dahil ang sama ng ugali niya. Ano ba ang dapat kong gawin?

Louie, Pasay City

 

Hello Louie,

Madali para sa iyo ang mag-move on kasi may bagong buhay ka na, I mean nakahiwalay ka na nang tuluyan sa kanya. Samantala ang dati mong misis ay naroroon pa rin sa isang kondisyon na akala niya ay magkakabalikan pa kayo. At hindi natin maiaalis sa kanya ang umasa. At isa pa, kasama niya ang inyong anak na laging magpapaalala sa kanya na meron kayong nakaraan.

Ang hirap kasi sa iba (hindi naman sa pinariringgan kita), na porke nagbibigay kayo ng pera sa naiwan ninyong anak sa dating misis ay ayos na ang lahat, masaya at masarap na ang buhay!

Sana ikonsidera mo rin kung bakit naghahabol pa si ex? Talaga bang hindi pa siya maka-move on at dead na dead pa rin siya sa iyo. O meron kang hindi ginagawa na matagal na niyang pinagagawa sa iyo?

Sure ka bang ikaw lang ang wala nang nararamdaman? Baka naman hindi love ang nararamdaman niya sa iyo, wag kang assuming.

At any rate, tutal feeling mo naman hina-harass ka niya at ang iyong bagong pamilya, e, bakit hindi ka kumonsulta sa abogado at tanungin kung anong pwede mong gawin?

O di kaya, umupo kayo pareho at mag-usap sa harap ng inyong anak na for sure ay may sarili na ring pag-iisip dahil kamo ay nasa kolehiyo na.

Sa gagawin ninyong desisyon, isama nyo ang anak ninyo. Baka sa pagkakataong iyon ay maging magaan ang lahat at maresolba ang problema.

Be open to do more than sending your kid some money. Tulungan mo rin siyang maka-move on by being civil at respetuhin bilang nagpalaki sa anak mo na pinadadalhan mo lang ng pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending