Poste ng kuryente bumagsak; 2 bahay sunog | Bandera

Poste ng kuryente bumagsak; 2 bahay sunog

John Roson - December 12, 2017 - 05:05 PM
Nasunog ang dalawang bahay sa Himamaylan City, Negros Occidental, nitong Lunes, matapos mabagsakan ng poste ng kuryente ang isa sa mga ito, ayon sa pulisya. Naganap ang sunog pasado alas-8 ng umaga sa Brgy. 1 Poblacion, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Unang nagliyab ang bahay ni William Balauro nang mabagsakan ng poste ng Negros Occidental Electric Cooperative, at kumalat ang apoy sa bahay ni Nimpa Limsiaco, ayon sa ulat. Walang naiulat na nasawi o nasugatan, pero umabot sa 1st alarm ang sunog at nagdulot ng di bababa sa P240,000 halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon sa pulisya. Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng pagbagsak ng poste ng kuryente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending