SINUSPINDE ang klase sa isang paaralan sa Navotas City matapos namang bulabugin ng bomb scare kaninang umaga, ayon sa isang opisyal ng paaralan.
Sinabi ni Tangos Elementary School officer-in-charge (OIC) Principal Cristino Alejo na agad na ipinag-utos ng mga opisyal ng paaralan ang paglilikas ng mga mag-aaral mula sa gusali matapos makatanggap ang mga empleyado ng tawag mula sa hindi nagpakilalang tao na may bomba umano sa loob ng paaralan.
Idinagdag ni Alejo na natanggap nila ang tawag ganap na alas-6:15 ng umaga mula sa isang hindi nagpakilalang lalaki.
Agad na tumawag ang paaralan sa pulis para humingi ng tulong.
Sinuyod ng mga miyembro ng bomb squad mula sa Northern Police District ang lugar kung saan negatibo ito sa bomba.
Ani Alejo itinuloy naman ang klase sa paaralan para sa mga panghapong mag-aaral.
“Hindi po iyan isang magandang biro. Nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga bata. Bigyan natin sila ng karapatang makapag-aral ng maayos,” sabi ni Alejo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.