Sickness benefit sa SSS (2) | Bandera

Sickness benefit sa SSS (2)

Liza Soriano - December 09, 2017 - 12:10 AM

HI MA’AM,

Good day!

Gusto ko lang po sana i-inquire kung pwede ko pa po bang ma-claim or ma-follow up yung SSS sickness benefit na pinasa ko last February nung nag karoon ako ng chicken pox. Nawala po kasi ng HR namin yung claiming stub.

Sana po matulungan ninyo ako.
Thank you and God Bless,
Ma. Marra Ortiz Castillano
146 Purok 2, Brgy. Marinig, City of Cabuyao, Laguna

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa inyong email ukol sa tanong ni Bb. Ma. Marra Ortiz Castillano sa benepisyo sa pagkakasakit na kanyang ipinasa noong February 2017.

Batay sa aming beripikasyon, ang aplikasyon para sa benepisyo sa pagkakasakit ni Bb. Castillano ay tinanggap ng SSS Binan noong ika-10 ng Pebrero 2017. Ito ay ibinalik ng SSS sa kanyang employer dahil hindi kumpleto ang pag-fill up nito ng sickness notification form.

Inihain ulit ito ng kanyang employer sa SSS noong ika-28 ng Marso 2017 at ito ay naaprubahan para sa 15 araw na benepisyo sa pagkakasakit. Dapat magsadya ang representative ng kanyang employer sa SSS Binan upang makuha ang aprubadong sickness notification form at ito ang pagbabatayan ng kanyang employer sa pagko-compute ng kanyang benepisyo sa pagkakasakit.

Kapag ito ay nacompute na ng kanyang employer, dapat ipauna ng employer ang benepisyo sa pagkakasakit para kay Bb. Castillano. Ang employer naman ay magpa-file ng sickness reimbursement sa SSS para naman maibalik namin ang halaga ng benepisyo sa pagkakasakit na ipinauna nito kay Bb. Castillano.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Bb. Castillano.

Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security Officer IV
Media Affairs Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending