La Luna Sangre pangtanggal stress ng madlang pipol
MALALIM na pagtutok na ang ginagawa ngayon ng ating mga kababayan sa seryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nakapanghihinayang naman kasing palampasin ang bawat episode ng palabas dahil lumabas na ang kapangyarihan ni Malia, malapit nang malaman ni Tristan na si Supremo (Richard Gutierrez) pala ang kanyang ama, tutok na tutok ang buong bayan ngayon sa maaksiyong serye.
Nagte-text kaming magkakaibigan kapag oras na ng La Luna Sangre, kami-kami na nga ang nanonood pero nagpapalitan pa kami ng mensahe sa aming natutunghayan, Pinoy na Pinoy talaga ang ganu’ng sistema.
Maraming kaibigan namin ang nagsasabing huwag na raw sanang magpalit pa ng make-up artist si Kathryn dahil napakaganda niya, lalo na ng kanyang mga mata, sa mga close-up shots ng young actress.
“Ngayon ko lang kasi natututukan ang itsura ni Kathryn, napakaganda pala ng batang ‘yun, very expressive ang mga mata niya. At ibang klase siya, kina-career niya talaga ang mga action scenes, siya talaga ‘yun, wala siyang double.
“Gustung-gusto ko ang mga confrontation scenes nila ni Angel Locsin, lume-level si Kath, ang galing-galing niyang umarte! Tapos na ako sa mga kilig moments ng mga artista, pero nakakakilig sila ni Daniel Padilla.
“Hindi ako bumibitiw sa La Luna Sangre, gandang-ganda ako sa istorya at execution ng mga eksena.
‘Yun ang pampatanggal ko ng stress sa nakakainis na traffic!” litanya ng kapatid-kaibigan naming si Sonia na isang designer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.