LTO chief pinagbibitiw ni Alvarez | Bandera

LTO chief pinagbibitiw ni Alvarez

Leifbilly Begas - December 06, 2017 - 04:45 PM
Pinagbibitiw ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Land Transportation chief Edgar Galvante kung hindi nito kayang resolbahin ang problema sa plaka ng mga sasakyan.     Sinabi ni Alvarez na mahigit isang taon ng naka-upo si Galvante pero nananatili ang problema sa plaka.       “Aba, the most logical thing for you to do is to resign. Ibig sabihin hindi mo kaya yung trabaho,” ani Alvarez na nagsabi na isa ang problema sa LTO sa mga nabanggit na sosolusyunan ni Pangulong Duterte noong kampanya.     Ayon kay Alvarez, naging kalihim siya ng Department of Transportation noon kaya wala siyang makitang dahilan kung bakit hindi masolusyunan ang problema.     “Ang ma-suggest ko diyan is for Assec. Galvante to resign so the President can appoint a person na kayang gawin yung trabaho.”       Nagsagawa ng pagdinig ang House committee on transportation kahapon at wala si Galvante na nagpapagamot.     Ang pagdinig ay kaugnay ng pagpapabilis ng proseso ng pagrerehistro ng mga imported na sasakyan.     Ayon sa ipinadalang kinatawan ng LTO na si Atty. Jane Paras Leynes nagsasagawa na ng bidding para sa mga plaka. Inaasahang matatapos umano ang proseso sa unang bahagi ng 2018.     Umaabot umano sa P7 milyon ang backlog sa plaka ng sasakyan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending