Alden, Maine pinatumba ang mga kalaban; powers ng AlDub nation may bisa pa rin | Bandera

Alden, Maine pinatumba ang mga kalaban; powers ng AlDub nation may bisa pa rin

Jun Nardo |December 05,2017
facebook
share this

Alden, Maine pinatumba ang mga kalaban; powers ng AlDub nation may bisa pa rin

Jun Nardo - December 05, 2017 - 12:01 AM


PINATAOB nina Alden Richards at Maine Mendoza ang mga nakatapat na programa ng magkaiba nilang guesting last Sunday sa GMA.

Special guest si Alden sa Dear Uge na katapat ang Banana Sundae. Humamig ng rating na 5.7% ang episode ni Alden kasama si Odette Khan habang 3.9% lang ang nakuha ng kalaban na gag show.

Guest naman si Maine sa Daig Kayo Ng Lola Ko bilang isang tsismosang kapitbahay. Nakalaban niya ang Little Big Shots at Wansapanataym. Pinadapa kapwa ng guesting ng Phenomenal Star sa ratings na 9.9 % habang ang LBS ay 8.8 ang nakuha
habang 7.6 ang Wansapanataym.

Nasabik talaga ang kanilang mga supporter sa muli nilang pag-arte dahil matagal-tagal na rin namang natapos ang Destined To Be Yours. At kahit nga magkahiwalay ang kanilang guesting ay talagang tinutukan pa rin ng AlDub fans, huh!

Kaya sa AlDub Nation huwag kayong mawalan ng pag-asa, hindi naman siguro basta bibitiwan ng GMA ang kanilang tambalan lalo na’t napatunayan muli nila ang kanilang powers sa telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending