Lacson sinabing P200M suhol para sa mga senador tsismis lang | Bandera

Lacson sinabing P200M suhol para sa mga senador tsismis lang

- December 04, 2017 - 05:13 PM

SINABI ni Sen. Panfilo Lacson na tsismis lamang ang alegasyon ng isang abogado na naglaan umano ng P200 milyon ang mga “oligarch” para suhulan ang mga senador para i-abswelto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng impeachment na kinakaharap.
“Huwag kayo maniwala masyado kay Atty Gadon. Kasi puro nga hearsay yung kanya, e di lalong hearsay pa ito. ‘Yun nga tini-testify nya dun House puro hearsay, e ito chismis pa ito, di lalong hearsay. Baka triple hearsay yan,” sabi ni Lacson.
Ito’y sa harap naman ng alegasyon ni Atty. Lorenzo Gadon kaugnay ng P200 milyong pondo para ibasura ang impeachment laban kay Sereno.
“In the first place, wala akong alam na kumakausap sa mga senador, wala akong nabalitaan. Maybe, you know, ito ang tact niya to put the senators on the spot if and when the articles of impeachment will be transmitted to us. Parang he’s already putting us on the spot para mag-convict kami rather than acquit,” dagdag ni Lacson.

Idinagdag ni Lacson na kasalukuyang dinidinig ng Kamara ang impeachment laban kay Sereno.
“Pagdating niya (Gadon) rito we’ll ask him kung sino tinutukoy niyang mga senador. Sino ang nagsabi sa kanya, saan niya nabalitaan. Sa ngayon ayoko pa maniwala sa kanya,” ayon pa kay Lacson.

Sinabi ni Gadon na P200 milyon umano ang tatanggapin ng mga senador na magbabasura sa impeachment laban kay Sereno.
“Ang dinig ko babayaran daw nila ng P200 million ang bawat senador na boboto ng pagabswelto kay Sereno,” ayon pa kay Lacson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending