Miguel kay Bianca: Alam niya na may feelings ako para sa kanya! | Bandera

Miguel kay Bianca: Alam niya na may feelings ako para sa kanya!

|December 04,2017
facebook
share this

Miguel kay Bianca: Alam niya na may feelings ako para sa kanya!

- December 04, 2017 - 12:05 AM

NANINIWALA ang karamihan sa fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na matagal nang may mutual understanding ang dalawa ngunit ayaw lang nila itong aminin sa publiko.

Para sa BiGuel followers, perfect sa isa’t isa sina Bianca at Miguel at ipinagdarasal nila na sana’y tumagal pa nang maraming taon ang kanilang tambalan at mauwi rin sa totohanan ang kanilang relasyon.

Ayon kay Miguel, totoong super close na sila ni Bianca, sa ilang taon din nilang pagtatambal sa mga programa ng GMA, level up na rin kahit paano ang kanilang samahan sa tunay na buhay.

Pero paglilinaw ng Kapuso teen star, hindi pa raw niya girlfriend si Bianca kahit na nga nilalanggam na sila sa sobrang kaswitan, “May border pa rin naman. May reason naman kung bakit ko hinahawakan ang kamay niya, kung bakit ko i-naakbayan.

“Sweet lang po talaga akong tao. Kung magkakatuluyan kami in the future? Bakit hindi? Nakikita ko naman, may possibility na ma-ging kami.

Ang tagal na naming magkakilala and, obviously, kilala na namin ang isa’t isa.

“Tsaka sobrang kumportable na namin sa isa’t isa, so parang kailangan lang talaga manligaw. Hindi naman kami nagmamadali, seventeen pa lang naman si Bianca, siyempre hindi pa gusto ng lola niya. At hindi pa rin naman gusto ng mommy ko,” paliwanag ni Miguel.

So, totoo bang MU na sila? “I think naman, kahit hindi ko sabihin kay Bianca, alam niyang may pagtingin ako sa kanya. Feeling ko, hindi naman na kailangan sabihin.

“Ako kasi, halimbawa may sinabi sa akin ang isang tao, hindi ko masyadong pinapaniwalaan. Mas pinapaniwalaan ko ang actions niya, so ganu’n din ako. Hindi ko gustong sinasabi, pinaparamdam ko sa isang tao,” diretsong pahayag ni Miguel.

In fairness, mainit ang pagtanggap ng Kapuso viewers sa bago nilang primetime series sa GMA, ang Kambal, Karibal. Sa pilot week pa lang ay talagang tinutukan na ito ng mga manonood kung saan nakilala na nila ang mga pangunahing karakter sa serye.

Sa mga susunod na episode, siguradong matutuwa at mae-excite every night ang mga BiGuel fans dahil sa mga pasabog nilang mga eksena na ngayon lang nila gagawin sa telebisyon. Promise nga ni Miguel, “De-finitely, hindi ito pa-tweetums, mas mature na ang mga eksena namin ni Bianca. Sure kami na kahit sila magugulat sa mga gagawin namin.

“Pero siyempre, ayaw pa rin naming tanggalin ni Bianca yung pagiging wholesome namin. Doon naman kami nakilala, e, yung values namin, papangalagaan namin.

“Pero definitely, itong show na ‘to, mas level up. At yung mga character namin dito, kung makikita niyo, may pagka-mysterious, aside sa drama, of course marami ring pakilig,” hirit pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makikipagtagisan sa ak-ting sina Miguel at Bianca sa mga veteran at seasoned actors na kasama rin sa Kambal Karibal tulad nina Carmina Villaroel, Jean Garcia, Gardo Versoza, Alfred Vargas at marami pang iba. Napapanood ito gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Super Ma’am.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending