La Salle-Ateneo UAAP Finals winner-take-all Game 3 ngayon | Bandera

La Salle-Ateneo UAAP Finals winner-take-all Game 3 ngayon

Angelito Oredo - December 03, 2017 - 12:10 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
11 a.m. UE vs NU
(women’s finals, Game 2)
3:30 p.m. Ateneo vs La Salle
(men’s Finals, Game 3)

ISA ang siguradong mag-uuwi ng titulo sa pagitan ng Ateneo de Manila University Blue Eagles at nagtatanggol na kampeon na De La Salle University Green Archers sa winner-take-all Game 3 ng UAAP Season 80 men’s basketball best-of-three championship series ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Bago ito ay una munang magtatala ng kasaysayan ang National University Lady Bulldogs sa pagnanais nitong maiuwi ang ikaapat na sunod na taon na pagiging kampeon na hindi natalo maski isang beses sa hangad na ika-64 diretsong panalo kontra University of the East Lady Warriors sa Game Two ng sarili nitong serye para sa titulo.

Huling nagtala si Trixie Antiquera ng 30 puntos para sa NU Lady Bulldogs upang biguin ang UE Lady Warriors, 89-61, para sa ika-63 nitong diretsong panalo at mangailangan na lamang ng isang panalo ngayon upang panatiliin ang natatanging aktibong winning streak sa kasaysayan ng liga.

Asam ng Blue Eagles na makabangon mula sa masaklap nitong kabiguan sa ikalawang laro kung saan halos abot kamay na nito masungkit ang kabuuan nitong ikasiyam na korona sapul na sumali sa liga sa pagtala ng 21 puntos na bentahe bago na lamang nabigo, 83-92.

“We have another opportunity Sunday and we’re focusing on that more rather than ‘yung missed opportunity namin last Wednesday. Sayang pero ganun talaga. But we can’t do anything about that right now, we have to focus,” sabi ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Kabuuang ika-10 korona naman ang nakaabang para sa Green Archers na pilit ipagtatanggol ang kanilang titulo kontra sa karibal na Blue Eagles na nagawang iuwi ang 76-70 panalo sa Game One at halos nakatuon sa korona bago na lamang hinabol ang pinalasap ng kabiguan ng mga kasalukuyang kampeon.

Huling itinala ng Ateneo ang 5-taong diretsong pagsungkit sa korona simula 2008 hanggang 2012 upang idagdag nito sa titulo noong 1987, 1988 at 2002. Tinanghal naman na kampeon sa liga ang La Salle noong 1989, 1990, 1998, 1999, 2000, 2001, 2002, 2007, 2014 at 2016.

Nakalalamang naman sa kanilang paghaharap sa kampeonato ang Ateneo na may tatlong panalo kontra sa dalawa ng La Salle. Nagwagi ang Ateneo noong 1988, 2002 at 2008 habang nanalo ang La Salle noong 2001 at 2016.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending