UP fratmen tumakbong nakahubo’t hubad para manawagan ng rehab ng Marawi
TUMAKBONG hubo’t hubad ang mga miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) fraternity sa University of the Philippines Diliman para ipanawagan ang rehabilitasyon ng Marawi City at i-reboot ang gera kontra droga.
Taunang ginagawa ng APO ang Oblation Run, kung saan tumatakbong hubo’t hubad ang mga miyembro nito sa palibot ng campus.
Ngayong taon, nananawagan ang APO sa gobyerno na tiyaking hindi magagaya ang Marawi City sa sinapit ng mga biktima ng super typhoon Yolanda na usad pagong ang rehabilisyon ng mga lugar na napinsala.
Kumontra rin ang mga miyembro ng APO sa ginagawang pagpatay sa mga suspek sa droga.
“APO UP Diliman is calling for an end to wars that lead to death, and asks the government to shift its focus rebuilding lives,” sabi ng grupo sa isang pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.