Semplang na naman ang Uber | Bandera

Semplang na naman ang Uber

Ira Panganiban - December 01, 2017 - 12:10 AM

NITONG linggo ay nasa balita na naman ang Uber at hindi na naman maayos ang dating nito sa publiko.

Ayon sa lumabas na ulat, isang napakalaking data breach ang naganap sa system ng Uber sa Amerika noong 2016.

Ang siste rito, imbes na aminin ng Uber sa mga regulating agencies na na-hack ang system nila ay itinago nila ito.

Binayaran pa nila ng $100,000 ang mga hackers para isoli ang data na nakuha nila sa Uber.

Sinimulan na ng National Privacy Commission ang investigation sa Uber sa Pilipinas dahil delikado ito sa mga kliyente ng Uber sa bansa.

Base sa ating batas, dapat ay agad ang pag-report ng mga kumpanya kapag may isang data breach lalo na kung ikaw ay consumer o public service company.

Hindi ito ginawa ng Uber last year at maging ngayong taon ay Wala pa rin silang report.

Maging ang LTFRB ay sinimulan na rin ang imbestigasyon dahil ang pagkabigo ng Uber sa bansa na magreport ng data breach ay isang paglabag sa prangkisa nila.

Pero ang importante rito ay ang pagiging sinungaling ng Uber pagdating sa mga ganitong isyu.

Papaano mo ipagkakatiwala ang iyong sensitibong impormasyon sa isang kumpanya na itinatago ang insidente na ninakaw na pala ang impormasyon mo.

Ito lang ay dahilan na para huwag sila gamitin sa negosyo nila.

Auto Trivia: Ang WD-40 ay isang sikat na penetrating oil spray na sobrang dami ang gamit.
Ito ay imbensiyon ni Norman Larsen noong 1953. Ang “WD-40″ ay abbreviated term ng “Water Displacement, 40th formula”.
Ang formula nito ay hindi pa rin naibubulgar hanggang ngayon. Unang ginamit ito para linisin ang mga ballistic missiles noong 1950.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga komento at suhestiyon sumulat lamang sa [email protected] o kaya ay sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending