Mr. Solon nagpa-stem cell, botox para feeling gwapo | Bandera

Mr. Solon nagpa-stem cell, botox para feeling gwapo

Den Macaranas - December 01, 2017 - 12:10 AM

ABALA sa pagpapaganda ng katawan ang isang may edad na ring mambabatas kaya hindi siya visible sa publiko sa mga nakalipas na araw bago pa man ang nalalapit na recess ng Senado at Kamara.

Lately ay marami na rin ang nakapansin na medyo pigil na siya sa pagkain hindi tulad dati na akala mo ay bibitayin na sa lakas ng paglamon.

Sinabi ng aking Cricket na nagpa-stem cell theraphy daw sa abroad ang ating bida at isinunod naman niya ang botox dahil medyo kulubot na rin ang kanyang mukha.

Wala namang masama sa ginawa ni Sir dahil gusto lang naman niyang maging feeling healthy at good looking lalo na sa harap ng publiko.

Bukod dito ay nagkaka-edad na rin naman ang ating bida kaya panahon na para ayusin nya ang kanyang hitsura.

Dati na natin siyang naging subject sa ating Wacky Leaks makaraang atakehin ng pananakit ng dibdib habang nagja-jogging sa pag-asang mababawasan ang kanyang timbang.

Hindi na niya ito muling inulit dahil baka matuluyan na raw siya sa ikalawang pagkakataon.

Sinabi ng ating Cricket na isang kapwa rin nya mambabatas ang nagrekomenda sa kanya na magpa-stem cell at botox dahil gumanda raw ang kanyang pakiramdam after na sumubok sa nasabing mga proseso.

Minsan na rin niyang naisipang magpa-liposuction pero pinigil siya ng ilang mga kaibigan.

At para maging kumpleto ang kanyang makeover, bumili rin ng bagong SUV ang ating bida na kanyang paniguradong ibabandera sa ilang mga kapwa mambabatas.

Ang mambabatas na inaasahang poging-pogi ang dating sa mga susunod na araw ay si Mr. F….as in Frappe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending