Vice sa magulang ni Hashtag Franco: Mahal ko ang anak n’yo, pero hindi kami magdyowa! | Bandera

Vice sa magulang ni Hashtag Franco: Mahal ko ang anak n’yo, pero hindi kami magdyowa!

Ervin Santiago - November 19, 2017 - 12:55 AM

VICE GANDA AT FRANCO HERNANDEZ

PINASAYA ni Vice Ganda kahit paano ang mga taong nasa huling gabi ng burol ni Hashtag Franco Hernandez, na pumanaw last week matapos malunod sa isang beach sa Davao Occidental.

Naibsan ang matinding kalungkutan at pangungulila ng pamilya at mga kaibigan ni Franco na nasa Arlington Memorial Chapel sa Q.C. nang magsalita si Vice sa huling lamay ng kanyang anak-anakan.

Isang video ni Vice ang ipinost sa YouTube ng ilang netizens na naroon sa burol ni Franco. Sey ng Phenomenal Box-Office Star, “Pinapatawa ko lang sila para masaya lang ang mood. Actually ayaw ko nang magsalita, ang sakit-sakit na ng dibdib ko. In fact, after the live episode of Showtime yesterday.

“Nakiusap ako sa management, sabi ko ipa-pack up ko na ang taping ng GGV, hindi ko talaga kayang magpatawa. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko, di ko kayang magharot, magsaya. Just give me a day to mourn for my son, Franco,” pahayag ng TV host-comedian.

“Siguro kaya ginawa na rin akong bakla ng Diyos, para hindi talaga ako magkaanak. Kasi ito pa lang, hindi ko totoong anak pero hindi ko kinakaya.” Biro naman ni Vice sa magulang ni Franco, “Mahal ko po ang anak niyo. Pero hindi po kami mag-jowa, hindi po ako pumapatol sa below 5’7. Halos lahat po ng jowa ko ay 6-footer, mythical 5, PBA level, joke, charot!” aniya.

“Maraming salamat, Franco, I will miss you. For now, iiyak ako kapag iniisip kita but I know in time, give me like a month or two, kapag inisip kita tatawa na ako ulit, kapag inisip kita ay magiging masaya na ako ulit,” pagtatapos ng komedyante.

Samantala, siguradong tuwang-tuwa si Vice sa sinabi ni National Artist Bienvenido Lumbera, ang Chairman ng MMFF Selection Committee, tungkol sa entry nilang “Gandarrapido The Revengers” kung saan makakasama niya sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Si G. Lumbera ang nag-announce ng walong official entry sa taunang MMFF at isa nga rito ang pelikula nina Vice. Sabi ng National Artist, highly-recommended daw niya ang nasabing action-fantasy-comedy film, lalo na sa mga bata. “Sasabihin ko sa mga apo ko na panoorin ang movie nina Vice, Daniel at Pia dahil talagang maganda.”

Ang “Gandarrapido The Revengers” ay sa direksyon ni Joyce Bernal under Viva Films and Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending