Arjo nagpasilip ng katawan: It’s not my thing, pero ginawa ko rin! | Bandera

Arjo nagpasilip ng katawan: It’s not my thing, pero ginawa ko rin!

Ervin Santiago - November 19, 2017 - 12:45 AM

HANGGANG SAAN CAST: SUE RAMIREZ, TERESA LOYZAGA, SYLVIA SANCHEZ, ARJO ATAYDE, YVES FLORES AT ARIEL RIVERA

MAY bagong loveteam na aabangan sa bagong afternoon serye ng ABS-CBN na Hanggang Saan – sina Arjo Atayde at Sue Ramirez.

In fairness, sa trailer pa lang ng nasabing teleserye ay mararamdaman na ang matinding chemistry ng dalawa, kaya siguradong isa ito sa mga aabangan ng manonood.

“I’m happy if they accept it, if they like it. I am more than happy to do 10, 20, 30 films with Sue. She’s so good, very professional, and napakabait. She’s a real person and that’s what matters the most,” pahayag ni Arjo.

Nang tanungin naman tungkol sa pagpapakita ng kanyang hubad na katawan sa Hanggang Saan, “Honestly speaking I’ve been working out a lot and I just don’t post. I don’t show people because it’s not for anything, it’s for myself, to be healthy, to be fit, you know.

“It’s not for people to see or for me to show. It’s not my thing but I guess siguro ‘yung pagtatanggal ng t-shirt, it’s not my thing, I don’t like doing it but for the sake of the show, I will do it, so I did it,” aniya.

Keri ba niyang magkaroon ng intimate scenes with Sue? “If it’s okay with Sue, it’s okay with me..”

Samantala, hanggang saan nga ba ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak? Iyan ang sasagutin ng Hanggang Saan na magsisimula na sa Nov. 27 sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Matapos siyang mahalin ng sambayanan bilang Gloria sa The Greatest Love, muling matutunghayan ng viewers si Sylvia Sanchez sa pagbibigay-buhay niya kay Sonya, isang matapang na nanay na gagawin lahat para sa mga anak.

Makakasama naman ng award-winning actress sa unang pagkakataon sa isang serye ang anak niyang si Arjo, na gaganap bilang Paco. Matalino at maaasahan, si Paco ay kasalukuyang kumukuha ng abogasiya at nagsusumikap na mabigyan ng mas komportableng buhay ang pamilya.

Makikilala rin nila ang mag-inang Jean (Teresa Loyzaga) at Anna (Sue) na magiging malapit nilang mga kaibigan at babago sa takbo ng kanilang mga buhay.

Sa unang tingin, isa lang pangkaraniwang pamilya ang tahanan ni Sonya. Ngunit mag-iiwan ng maraming katanungan ang kanyang kwento dahil hindi tulad ng nakasanayang kuwento ng mga ina, madadawit si Sonya sa isang krimen upang maipagpatuloy ang buhay ng nag-aagaw-buhay niyang anak.

“Gagawa si Sonya ng argumento sa mga nanay at mga anak. Ang tanong ay, ‘Gagawin ko ba ang ginawa ni Sonya? Dapat ba ginawa niya o hindi niya dapat ginawa ‘yung krimen?’” ani Ibyang.

“Babasagin namin ang imahe ng pagiging isang ‘ideal’ na ina. Dito makikita natin kung paano mamahalin ang isang taong alam nilang may bahid,” sey naman ni Arjo.

Kasama rin sa Hanggang Saan sina Ariel Rivera, Yves Flores, Maris Racal, Marlo Mortel, Nikko Natividad, Rommel Padilla, Mercedes Cabral, Rubi Rubi, Viveika Ravanes, Sharmaine Suarez, Ces Quesada, Arnold Reyes, Maila Gumila at Junjun Quintana, sa direksyon nina Mervyn Brondial at Jeffrey Jeturian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang Hanggang Saan, tuwing hapon after Pusong Ligaw sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending