Maramot na singer-actress walang paki sa Pasko, dedma sa pagbibigay ng regalo
ILANG tulog at gising na lang ay Pasko na. Kapag ganitong panahon ay maraming naaalala ang mga taga-showbiz. May kani-kanyang anekdotang naaalala ang mga nagtatrabaho sa mundong ito tungkol sa kalibre ng maraming artista.
Sa isang umpukan ay naalala ng tropa ang isang young singer-actress na ilang taon nilang nakasama sa mga programa ng kanilang pinagtatrabahuhang istasyon. Ibang klase kuno ang kawalan ng pagpapahalaga ng young female personality na ito sa kanyang mga katrabaho.
Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Walang pakialam si ____ (pangalan ng young singer-actress na sobrang payat kaya walang kurbada ang katawan) sa Christmas. Nagkukuwentuhan na ang mga co-stars niya kung ano ang ipangreregalo sa mga staff nila, pero deadma lang siya!
“Wala siyang keber, kesehodang minsan sa isang taon lang naman ang Pasko, wala siyang pakialam, basta wala lang! Nu’ng tanungin nga siya ng isang co-star niya kung nakapagpagawa na ba siya ng giveaways, ang sagot niya, e, bakit?
“Ganu’n siya katindi! Hindi na nakapagtataka kung bakit wala siyang nagtatagal na PA. Kapapasok pa lang ng alalay niya, e, wala na agad, dahil wala siyang pakialam sa kapwa niya,” simulang kuwento ng aming impormante.
Heto na. Malapit na malapit na ang Pasko, nagbibigayan na ng mga regalo para sa staff ang ibang mga kasamahan ng young singer-actress, pero siya ay walang pakialam.
Patuloy ng aming source, “Pinanindigan na niya ang pagiging deadma niya, nakaraan ang Pasko na kahit mumurahing biscuit lang, e, hindi man lang siya nag-abalang magbigay sa staff. Ganu’n siya ka-deadma!
“At ang lowkah, buong-ningning pang nakatitingin nang diretso sa mga kasamahan niya! Taas-noo pa nga siyang maglakad na para bang ipinagmamalaki pa niya ang kawalan niya ng pakialam!
“Kahit sa network na pinaglipatan niya, e, ‘yun din ang image niya. Wala pa rin siyang pakialam sa Pasko, deadma pa rin siya! Ibang klase rin naman ang babaeng ito na kuwento ng mga dati niyang PA, e, kumakaing mag-isa sa sasakyan na hindi man lang sila inaalok.
“Kain nang kain, pero ang nipis-nipis pa rin naman ng katawan niya! Pangalang lalaki ang gamit niya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, tipaklong ang tawag n’yo sa kanya!” napapailing na natatawang pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.