Maria Isabel Lopez: Hindi ako terorista, wag lang ako ang puntiryahin | Bandera

Maria Isabel Lopez: Hindi ako terorista, wag lang ako ang puntiryahin

- November 16, 2017 - 03:47 PM

“Don’t single me out. I am not [an] ISIS [member] or a terrorist.”

Ito ang pahayag ng aktres na si Maria Isabel Lopez nang sumipot sa  Land Transportation Office (LTO) para ipaliwanag kung bakit hindi dapat tanggalan ng lisensiya matapos namang dumaan sa Association of Southeast Asian (Asean) lane.

“Hindi ako ISIS o terrorist na nakapasok doon kaya sana ‘wag ako ma-single out kasi hindi lang naman ako mag-isang pumasok doon,” dagdag ni Lopez.

Idinagdag ni Lopez na hiniling niya sa LTO na patawan siya ng parusa na nararapat sa kanyang ginawa.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maaaring ikonsidera na isang “security breach” ang ginawa ni Lopez dahil nilabag nito ang polisiya kaugnay ng paggamit ng  Asean lane.

“If there’s an intention to breach the security, I wouldn’t have talked to an MMDA officer,” giit ni Lopez.

Nagbiro pa si Lopez na bigyan siya ng diskwento bilang senior citizen sakaling patawan ng multa.

“Sana naman kung ano man ‘yung papataw sakin na penalty, bigyan naman ako ng senior citizen discount na 20 percent,” ayon pa kay Lopez.

Muling nag-sorry si Lopez sa kanyang ginawa.

“Once again, I’m apologizing to the people I have inconvenienced, the public, those people who missed their flights. It was a lapse of judgment on my part. ‘Yung pag-post ko naman sa (My posting on) social media, it’s just like the child in me,” sabi pa ni Lopez.

Sinabi ni LTO Law Enforcement Service Director Francis Almora na binigyan si Lopez ng hanggang ngayong hapon  para magsumite ng pormal na position paper.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Almora nakatakdang magpalabas ng desisyon ang LTO sa loob ng limang araw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending