'Nakakakilabot ang paramdam ni Hashtag Franco!' | Bandera

‘Nakakakilabot ang paramdam ni Hashtag Franco!’

Ambet Nabus |November 15,2017
facebook
share this

‘Nakakakilabot ang paramdam ni Hashtag Franco!’

Ambet Nabus - November 15, 2017 - 12:01 AM

PARANG nagpapahiwatig na ng kanyang paglisan si Hashtag member Franco Hernandez sa huling video nito kasama ang kanyang girlfriend, bago pa siya nalunod.

Masaya nitong nilalambing ang GF habang nagpapahayag ng kanyang pag-ibig dito, humingi pa nga siya ng “sorry'” sa hindi itinuloy na rason. Para sa marami, signos ito ng isang taong mawawala na.

Kumalat din ang huling Instagram post ni Franco kung saan makikita itong nakaupo at may background na malaking relo na may ng, “It’s about time.”

Sa mga naikuwento nga ng kanyang mga kasamahan sa Hashtag, kikilabutan ka talaga sa tila pagpapahiwatig ng guwapong binata nang kanyang pamamaalam – nang wala ng balikan.

Tunay ngang naging “mixed emotions” ang weekend para sa mga fans and supporters ng Hashtag na kaka-celebrate lang ng kanilang second anniversary sa It’s Showtime.

Siyempre, ganu’n din ang na-feel ng mga co-hosts ng Showtime na karamihan ay nasa kasal naman ni Anne.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending