KAHIT may bago na siyang posisyon sa pamahalaan ay busy pa rin ang isang opisyal ng gobyerno sa pagpunta sa mga lugar na naikalendaryo noong siya ay nasa dati pa niyang pwesto.
Nanghihinayang kasi si Sir sa mga junket lalo na at libre ang kanyang pagbiyahe sa abroad.
Sinabi ng aking Cricket na maraming mga imbitasyon sa abroad si Sir lalo’t may kinalaman sa trade and economy ang dating pwesto niya sa gobyerno.
Kalakip ng mga ito ang libreng travel sa abroad via first class accomodations na courtesy naman ng mga kumpanyang gustong maglagay ng negosyo sa dating teritoryo ni Sir.
Sinabi pa ng aking Cricket na hindi ibinigay ni Sir sa kanyang kapalit sa pwesto ang nasabing mga byahe dahil sinulot daw ng kanyang successor ang dati niyang pwesto.
Hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on si Sir dahil nasagasaan nang husto ang kanyang pride dito.
Sa totoo lang, sinabi ng aking Cricket na hindi naman kwalipikado si Sir sa dati niyang posisyon at iyun din ang dahilan kung bakit siya pinatalsik sa pwesto.
Mas bagay ang kanyang kasalukuyang posisyon, yun nga lamang ay hindi siya ang Boss dito kundi ay subordinate lamang.
Nawala rin sa kanya ang malaking sweldo at pati na rin ang mamahalin niyang tirahan sa dati niyang pinaglilingkurang tanggapan sa pamahalaan.
Kung tutuusin ay maswerte pa nga si Sir ayon sa aking Cricket dahil kahit paano ay may pwesto siya sa gobyerno pati na ang ilang miyembro ng kanyang pamilya.
Ang government official na bida sa ating kwento ngayong araw na kilala rin sa bansag na “Chairman Selfie” ay si Mr. M….as in Martir.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.