Dinukot na konsehal pinalaya ng Abu Sayyaf | Bandera

Dinukot na konsehal pinalaya ng Abu Sayyaf

John Roson - November 02, 2017 - 06:48 PM
Pinawalan ng mga kasapi ng Abu Sayyaf ang isang konsehal ng Jolo, Sulu, Miyerkules ng gabi, matapos ang mahigit isang buwang pagbihag sa opisyal, ayon sa militar. Pinalaya si Councilor Ezzeden “Zed” Soud Tan pasado alas-9 sa Brgy. Buru, bayan ng Talipao, sabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Armed Forces Joint Task Force Sulu. “He (Tan) underwent medical examination at Camp Bautista Station Hospital in Busbus, Jolo… [and was] found to be in good physical condition except for some mosquito bites on his arms,” ani Sobejana. Matapos iyo’y sumailalim sa debriefing ang konsehal at pinayagan nang makauwi, anang military official. Nagbibisikleta si Tan kasama ang mga kapwa miyembro ng Tausog Bikers Club sa bayan ng Indanan noong Set. 27, nang dukutin siya ng anim na armadong sakay ng pulang Tamaraw FX, ayon sa mga otoridad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending