Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.0 ang Legaspi City sa Albay kaninang umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:55 ng umaga. Ang sentro nito ay 17 kilometro sa kanluran ng Legaspi City at may lalim na 35 kilometro. Sanhi ito ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Legaspi City. Walang inaasahang aftershock ang Phivolcs sa pagyanig na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending